An anonymous person left me a comment "Huh?" so I wrote an English version of this post which can be found here Overseas Filipino Workers - Ready to Go Home?
Parang kailan lang, labing-isang taon na pala ako dito sa abroad. Dito ko na naipanganak ang aming limang mga anak at dito na rin sila naglakihan. Bagamat nakarating na rin sila sa Pilipinas, mahigit isang buwan lamang ang kanilang itinigil doon sa mabibilang sa isang kamay na pag-uwi. Sanay at kuntento na kami sa takbo ng pamumuhay dito - tahimik, komportable at masaya dahil sama-sama.
Noong isang araw, umuwi ang aking asawa na may dalang balita na kinagulat naming lahat. Ang sabi niya "Sabi ni Amo ay hanggang anim na buwan na lamang ang kontrata ko." Ano? Siyanga? Talaga namang pinatutupad ang Saudization sa kanilang kumpanya. Matagal nang nababanggit ng aking asawa ang tungkol sa Saudization, ngunit ngayon lamang siya nakatanggap ng notice na nalalapit na ang end of contract niya. Hindi pa naman daw final iyon. Maaari pang may pagbabago sa bagay na ito. Ngunit isa lamang ang nais na mensahe nito sa amin. "Kailangan na naming maghanda - maghanda sa pag-uwi."
Nang sabihin namin sa aming mga anak ang tungkol sa pag-uwi sa Pilipinas, ang tanong nila ay bakit? At kung tatanungin sila kung okey lang sa kanila ang umuwi na sa Pilipinas, ang sagot nila ay ayaw nila...ayaw nila iwan ang mga friends nila dito, ayaw nila ang init sa Pilipinas, paano na iskuwela namin, etc, etc. Ehem. Unang-una pala sa dapat ihanda sa pag-uwi ay ang puso at isipan ng aming mga anak.
Kung kami ay titira na muli sa Pilipinas, tiyak na malaking pagbabago ito sa amin.
- Una ay kailangan kaming maghigpit sa aming gastusin. Hindi ko naman masasabing maluho ang klase ng pamumuhay namin dito, matipid pa nga kami kumpara sa iba. Ngunit pwede pa ring higpitan upang makatipid. Alalahanin, pito kami sa pamilya at apat na anak ang nag-aaral.
- Pangalawa, maraming sumasagi na katanungan sa aming isipan. Saan kami titira? Saan mag-aaral ang mga bata? Bibili ba kami ng sasakyan? (Ang mahal yata ng gasolina sa Pinas, di tulad dito, wala pang sampung piso kada litro.) Ano kaya ang puwedeng pagkakitaan ng pera? (Hindi puwedeng puro lang kami gastos at walang kita.) Mag-oOFW pa ba muli ang aking asawa? Babalik ba akong muli sa akademya o sa industriya ng kursong aking tinapos?
Kaya nga mainam para sa mga OFW ang nag-iisip na ng plan 1-2-3 bago pa man magdesisyong umuwi o mapa-uwi. Hindi naman forever ang trabaho sa ibang bansa. Kailangang maghanda para sa pag-uwi ay hindi tayo nangangapa kung saan kukuha ng pang-tustos sa pamilya o kaya'y maging pabigat sa iba.
Paano nga ba tayo makapag-hahanda na ating mga sarili? Narito ang ilang mungkahi na aking naisip:
- Hangga't maaari ay magkaroon ng savings. Alam kong hindi lahat ay nakagagawa nito dahil marami sa mga OFW na kilala ko dito ay break-even din lang, ang iba nga ay kulang pa rin ang kita para sa panggastos. Ngunit, napakahalaga ang magtabi kahit kaunti ng savings para sa panahon ng pangangailangan.
- Kung maaari ay magkaroon ng option sakaling wala nang trabaho sa abroad. Mag-aral kung kailangan. Marami akong kilala na nag-aral ng computer, photography, cooking courses, medical transcription, pagmemekaniko, caregiving, etc. Puwede ring mag-aral kung paano maging VA o Virtual Assistant. Kahit hindi ang mga OFW mismo, pwede ang kanilang mga dependents. May mga libre at murang kurso naman sa TESDA, Informatics, Manpower Training Center at TLRC. Of course, mas maganda kung makatapos din ng pag-aaral ang mga anak.
- Mag-invest kung pwede. Hindi ko kabisado ang area na ito pero may mga ibang nagiging produktibo pa rin sa tamang pag-invest sa stocks, treasury bills, atbp.
- Magsimulang magkaroon ng part time business o part-time income. Marami nang pwedeng gawin na business ngayon. Pinakapopular siguro ay magtayo ng tindahan sa bahay, direct selling, network marketing at cellphone loading business. Marami ding mga business ngayon na pwedeng i-franchise pero kailangan ng malaki-laking puhunan. Maaari din namang mag-loan katulad sa loan program ng OWWA at National Livelihood Support Fund. P200,000 sa bawat tao o P1M sa isang grupo na may 5 miyembro ang pwedeng ma-loan sa interes na 9% per annum. (Tumawag sa OWWA hotlines (02)551-1560 at (02)551-6641 para sa karagdagang impormasyon).
Sa aking experience, dahil ako ay stay-at-home mommy na nag-aalaga ng 5 anak, nakasumpong naman ako ng paraan upang kumita ng extra mula sa internet. Nakakakuha ako ng mga VA jobs mula sa oDesk at Freelancer at kumikita din ako sa pagsulat via blogging at sa HubPages. Salamat sa Diyos dahil kahit papaano ay binigyan Niya ako ng lakas ng loob at talento na subukin din ang online world para sa ganitong paraan ng pagkita.
Ang malaking tanong - Handa na ba kami sa pag-uwi? Ang sabi ng aking isang anak nang marinig ang balita ay "i-pray natin ito." Kung kalooban ng Diyos na kami ay umuwi na, dalangin ko na maging handa kami lalo na ang aming mga anak. Sa biyaya Niya at mga pangako sa salita Niya, nagtitiwala ako - kami na magiging mabuti ang aming kinabukasan.
"At buhat sa kayamanan Niyang hindi mauubos, ibibigay Niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus." ~ Filipos 4:19
"Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo." ~ Mateo 6:33
Ang post na ito ay aking isinulat bilang entry sa Philippine Expats/OFW Blog Awards.
14 Comments
naku, kung matutuloy man kayo sa pag-uwi dito, malaking adjustment talaga ang gagawin ng family, lalo na ang mga bata...you are really, really right kailangan talaga paghandaan ang pag-uwi...
i'm happy to know that you really earn talaga online! inspiring!
goodluck sa entry mong ito, wishing for your win!!!
Good Luck sa entry mo!
Prayers lang parati... Do your best and God will do the rest! :)
following you and dropping ec here... hope u can do the same in my new site..
http://anythingaboutbella.blogspot.com/ ... thanks!
Be blessed po!
Naniniwala ako na God will take care of us as gaya ng inyong nasambit.
Pong, salamat din sa pagbasa mo ng entry ko. Sana nga maging handa sa pag-usi karamihan sa mga Kabayan nating OFWs. Ikaw, musta ka na dyan sa Pinas?
Buhay Abroad, salamat po sa paalala. Yup! Sometimes, the things we don't want that is happening to us is actually a blessing in disguise.
God bless po!
-Chad and Angie-
good to see your site and good luck to your online jobs.
I invite you to post your jobs online and you can also attach your referral link.
www.internetjobs.archiedelara.com
I have readers who would like to earn also via internet.
Best regards,