Dalawang Mukha ng Pag-ibig ng Ina

This is the first time I will write a post in Filipino.  This is written in conjunction with the Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA) theme.

Naaalala ko pa ang pag-iyak ko noong paalis na si mommy papuntang Saudi Arabia.  Ako ay labing-isang taon gulang noon at nasa Grade 5 pa lamang.  Di ko lubos na naintindihan kung bakit pa siya aalis.  Ang alam ko lang ay kailangan para sa panggastos namin.

Pilit naman akong nag-aral ng mabuti dahil gusto ko na makatulong sa pamilya.  Sa katunayan, halos taun-taon ay first honor ako kaya palaging libre ang tuition ko sa Chinese school na aking pinapasukan.  Kahit malayo si mommy, gusto ko siya maging masaya.  Pero mas gusto ko sana noon na umuwi na lang siya.

Ang Mahal Kong Mommy
Limang taon na nagtiis si mommy na malayo sa amin. (Sino bang ina ang nais na mawalay sa kanyang mga anak?)  Napakamahal pa at mahirap ang komunikasyon noon di tulad ngayon na may internet at VOIP na.  Kaya parang patak ng ulan sa tag-init ang makatanggap ng tawag o sulat galing kay mommy.  Dahil sa ganitong sitwasyon, unti-unting nalayo ang loob ko kay mommy. Bahagi na rin siguro iyon ng aking paglaki at  pagdadalaga.

Noong magpasya na si mommy na umuwi sa Pilipinas at di na bumalik muli sa Saudi, di ko mailarawan kung ano ang tunay na damdamin ko.  Masaya ako na uuwi na rin siya. Subalit, nakakalungkot man sabihin, maraming panahon na ang lumipas at nalagyan na ng puwang ang aming relasyon.  Parang nasanay na ba ako na si daddy lang ang laging kasama.  Alam kong naramdaman iyon ni mommy at ikinasama din iyon ng loob niya.  Isang mapait na kapalit ng sakripisyo ni mommy at pagiging malayo namin sa isa't isa bagamat napunan ang mga pisikal na pangangailangan.

Gayun pa man, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos dahil hindi naging katulad ang aming pamilya ng ibang pamilyang alam ko na nawasak. NagOFW ang tatay o nanay at dahil siguro sa pangungulila ay nakipag-relasyon sa iba kahit may asawa at anak na.  Salamat din sa Kanya dahil mas lalong napalapit sa Diyos ang mommy ko noong siya'y nasa lugar ng mga disyerto at maging kaming mag-aama na naiwan sa Pilipinas.  At ang pananampalataya ding iyon ang nagdulot upang mapunan ang mga puwang sa aming relasyon.   

Kailangan talaga ang matibay at tamang pananalig sa Diyos upang maging matibay din ang isang tahanan.

Ngayon ay nasa ibang bansa na rin ako.  Di ako OFW ngunit asawa ng isang OFW.  Kahit na mahirap at magastos ang sama-sama kami sa bansang hindi atin ay pinilit pa rin namin na panatilihing buo ang pamilya.

Usapan naming mag-asawa ay dalawang taon lamang kaming mag-iina doon at babalik na sa Pilipinas.  Ngunit gusto ko man na sa Pilipinas na lang at ipagpatuloy ang aking career ay pinili ko na lang maging ina ng tahanan.  Di bali nang walang career, huwag lamang kaming mag-iina malayo sa mahal kong kabiyak.  Palibhasa'y ayaw kong maranasan ng mga anak ko ang naranasan ko noong ako ay bata.  Malaking pasalamat ko sa Diyos dahil sapat naman ang biyaya Niya upang tugunan ang lahat naming pangangailangan.

Dalawang mukha ng pag-ibig ng ina.  Ang isa'y nagtiis na malayo sa pamilya upang mabigyan sila ng magandang pamumuhay.  Ang isa nama'y piniling huwag lumayo sa pamilya kahit kapalit ay ang magandang career.  Alin dito ang lumalarawan sa iyo bilang isang ina?  

Ang bawat pagpili ay may katumbas na kapalit.
Timbangin ang isip at puso, tiisin ang pait.
At huwag kalimutang manalig sa Panginoon
Ano man ang mangyari Siyang laging kasama mo doon.

Napakaganda sana kung hindi na kailangan magkawalay ang isang pamilya.  Nawa ay bumangon ang Pilipinas sa larangang pang-ekonomiya upang di na sana mangibang-bansa ang maraming mga ama at ina at iwan ang mga anak.  Kailan kaya iyon matutupad?

Nagpupugay po sa mga ama at ina ng tahanan na taglay sa puso't isipan ang kapakanan ng pamilyang Pilipino.

Please vote for me. This post is nominee #21 at PEBA's OFW Bloggers Division.  Just click the banner below or at the side bar.



Strengthening OFW Families: "Stronger Homes for a Stronger Nation." "Pagtibayin ang Pamilyang OFW: Mas Matibay na Tahanan Para sa Mas Matibay na Bayan"

Post a Comment

17 Comments

Pong said…
Masarap po talaga kung wala na sanang mga nanay, tatay at mga anak na naghihiwalay. Pero katulad po ng nabanggit niyo ang pananalig sa Diyos at ang mukha ng pag-ibig na iyan ang nagbubuklod sa isang pamilyang matatag.

Be blessd po ms. chin!

Great entry! Glory to God!
Chin chin said…
Thanks, Pong. Minsan talaga kailangan maghiwalay eh kahit mahirap. Diyos at pag-ibig nga ang mga sangkap na kailangan palaging nandyan sa isang pamilya.
The Pope said…
Isang napakalaking sakripisyo ang katulad mo bilang isang maybahay ng OFW at isang ina na kailangang isantabi pansamantala ang usaping karera upang mapanatili ang pagkakabigkis at pagsasama-sama ng pamilyang OFW.

Kabilang sa 12 Milyong OFW sa iba't ibang bahagi ng mundo, kaisa mo ako na "nagbibigay pugay sa mga ama't ina ng tahanan na taglay sa puso't kaisipan ang kapakanan ng pamilyang Pilipino".

Maraming salamat sa paglahok sa PEBA 2010, pagpalain ka ng Maykapal.
Anonymous said…
Isa lang masasabi ko, mother's rule!!!

Ang sa akin tungkol din sa mom ko. Pero kabaligtaran mo naman siya. Supporter sha pero sa Pinas lang sha. ^_^

http://pinaywriteroraldiarrhea.blogspot.com/2010/07/my-moms-quasi-orphanage-by-nina-simon.html
Chin chin said…
Salamat din The Pope sa iyong pagbasa ng entry na ito.

Pinaywriter, napakalaki talaga ng impluwensiya ng mga mothers. Salamat sa pagbasa.
Noel Ablon said…
Uy, sa wakas na-convince ka ding sumali! Go! Pareho pala tayong from broken family and we also belong to God's family. Thank God at hindi ka negatively affected ng nangyari sa family niyo.

Well, as for me. It became a challenge for me and at the same time it a lesson.

God bless sa ating entries.
Chris said…
nice entry!!!


by the way, i love reading your blog.. im leaving you an award

http://www.mommyjourney.com/2010/09/versatile-blogger-award.html
Chin chin said…
@Noel Did I confuse you? I said I'm glad that my family was not broken unlike many other OFW families. My mom's going away as an OFW actually helped her and the rest of the family find true faith. God is good!

Though we did not have the same background after all, I'm glad that you're living as one happy family by God's grace.
Chin chin said…
@Chris. Thanks for the award and thanks for reading this entry.
Nortehanon said…
"Napakaganda sana kung hindi na kailangan magkawalay ang isang pamilya.">>>>Sana nga. Sana. Para hindi na maraming magulang ang naghihirap ang kalooban at katawan sa malayo. Para hindi na maraming anak ang mangungulila sa Pilipinas.

Just doing rounds among the PEBA entries.

Good luck!
Carnation said…
maganda talagang magkasama ang pamilya sa hirap at ginhawa..tama ang desisyon nyo na yan..
jon said…
yup, I agree with Carnation..
pero mas marami parin sa mga OFW ang nakahiwalay sa kani-kanilang pamilya..
Faith in God and love of God lang talaga ang makakapagbuklod sa kanila.
nice post...
J. Kulisap said…
Ang pinakarewarding na career ay napili mo na Chin. Isa kang ina, na itinakdang maghubog ng isang sanggol hanggang siya naman ang pumalaot sa buhay.

Magandang career ang pagiging ina. Hindi nito mapapantayan ang 13thmonth bonus at iba pang incentives sa pagtatrabaho sa iba.
Pagmamahal, at kaligayahan sa puso ang iyong tinatamasa.
siyetehan said…
nagkakaisa tayo sa panalangin na sana nga ay magbago na ng takbo ng ekonomiya ang ating bansa upang hindi na mangailangang mangibang bansa ang ating mga kababayan.
Xprosaic said…
Nice to see how you support your husband at yung strong conviction mo of having a complete family na buo at magkakasama kahit saan man kayo... I salute you po!
Noel Ablon said…
Congratulations for winning Top 9. You deserve it. God is good.
ghillcorner said…
CONGRATULATIONS! for winning the 2010 PEBA.

I really don’t know how I got there but I’d like to say a big thank you to all of you that voted – it wasn’t so much about the title or the trophy, but the amazing community here that took the time to vote for me.